Dati kabado pa kong mag-aral sa UP tapos ngayon tinatawanan ko na lang lahat. Bwahaha! Grabe lang talaga. Nung mismong graduation ceremonies na lang kasi talagang nag-register sa akin na tapos na nga ako. Biglang-buhos ang mga memories na pangit (Oo, puro pangit ang naalala ko agad). Pangit kasi noon ko lang nalaman na ang laki pala ng hirap ko. Ang dami kong tiniis at sinakripisyo para matapos on time... at with honors pa na hindi ko nagawa nung high school At hindi nga rin lang pala ako ang naghirap. Diyos ko po talaga! Hindi ko na ikukwento dahil plano kong masaya ang blog entry ko ngayon.
E di yun nga, college graduation na. Expected ko na cum laude ako pero pangarap ko talagang makuha yung best thesis award. Kaso hindi lahat binigay ni Papa Jesus. Hay! Syempre hindi ko natupad yung pangarap na yun. Napunta sa mas magagaling sa akin, pero ayos lang. Nakuha naman ng isa kong kaibigan yung award. And speaking of kaibigan, napakasaya talaga kasi yung mga kasama ko nung umpisa e nakasama ko rin nung patapos na. Sigawan at yakapan at batian to the highest level of levels (Thanks DJ Nicoleala).
Mas kakaiba yung feeling nung nagmartsa na papasok. Nakatingin lahat (O feeling ko lang yun?) tapos parang natutuwa sila para sa iyo. Nakaka-touch lalo yung mga secretaries, office workers, at iba pang unsung heroes na nanonood habang kami ay pumaparada. Gusto kong maiyak (As if naman) kaso masyado akong masaya! Ayun, pinasalamatan ko na lang sila sa pila habang nakangiti na parang Venus Flytrap!
And then awarding na of diploma at certificates. Iba ang tensyon sa pila. Gusto kong umihi ng isang timba sa sobrang tuwa. Habang papalapit sa stage ay lalong nagiging exciting. At nung tinawag na ang pangalan ko, feeling ko naman lahat ng tao sa mundo narinig yun... Tuwang-tuwa naman ako, kasi may pahabol pa sa pangalan ko na CUM LAUDE! Haha! Mas masaya syempre ang mama (at papa) ko. Hay sana lang nakita ni papa in the flesh. I'm sure aatakihin yun sa tuwa... Ay, sorry naman.
Nakakalungkot din. Wala si papa. Ang daming inutangan ni mama para lang mapagtapos ako. Hindi ako makatulong nung nag-aaral pa ako kasi nga hindi ko kayang isabay yung trabaho dahil baka ma-delay ako... saka ang hirap din. Namayat na nga ako nitong college. I'm sure sa mga nakakakilala sa akin bago mag-college, alam nila kung gaano kalaki ang ipinagbago ko physically. Buti na lang at paminsan-minsan e nakaka-raket (sayang talaga yung PBB at yung Myx VJ for a Day) at nananalo sa mga contest kaya may konting pera na pandagdag. Kaso nung nag-thesis naman ako, lahat ng ipon ko (As in lahat, since elementary) naubos! Hay buhay! Well, no more drama. Dahil gaya nga ng sabi ko, tapos na ako! Yehey! Parang na-tsunami lahat ng pagod at hirap at sakripisyo ko at ng marami pang ibang tao!
Isa pang nakakatuwa ay yung moment na kinanta yung Lupang Hinirang. Aba! E naging madalang kasi pagkanta ko nun since nag-college ako. Wala na kasing flag ceremony. At syempre kinanta rin ang school hymn, UP Naming Mahal. Da Best! Feel na feel talaga na parang tibak na tibak kahit poser lang. Tapos sumunod naman yung cheer na U-nibersidad ng-Pilipinas! Matatapang! Matatalino! HuWaaawww! Sobrang ecstacy to the maximum levelacious of experience na ito! Nadarama n'yo na ba ang aking trance? Ang saya, grabe!
After ng college grad e sumunod naman sa hapon yung University grad. Uunahin ko na yung pangit para happy ending. May hinarang daw na regents na parang terorista sila. Ayun. Pero I did not pansin kasi I'm so happy to make graduate na, da ba? And then it's so init pa. Why naman kasi they make do the ceremonies in the ampitheater? Meron namang UP Theater. Kainis talaga, you know! Pero it's ok lang because all my other friends were there. I mean, yung mga friends ko sa org and ung ibang since kinder ay friendships ko na. So happy talaga! Another thing that is panget is the speech, both from the guest speaker Justice Abraham Sarmiento and the summa cum laude girl from Music. So cliched! Sana it's me na lang who made sulat their speeches so it will be a little bit nicer. Duh!
Dun na sa happy moments! Ang sayang makita yung mga friends mo since kindergarten na andun din. Sina April, Cyndi, Renei, Rocky at Viann. Andun din si Kwai na ka-org at friend since freshie year. Nakita ko rin yung iba kong mga classmates sa ibang subjects. Humabol din nung gabi bago ako umuwi sina Gideon (Lakan) kasama si Arnold Mola at iba nilang friends (Ayan ha, binanggit ko pangalan nyo. Cheeseburger ko?). Walang humpay na kodakan at pa-moments ito kaya kahit may seremonya sa harap e tayuan at lakaran kaming mga grads para mag-pose at magkwentuhan! Wa-pake kami kung magsalita sila sa harap. Graduate na e!
Nga pala, ibinigay nung univ grad ang centennial model ng medal para sa mga may distinctions gaya ko. Haha! Ang saya-saya! Binanggit ng dean yung pangalan namin na feeling namin e napakinggan ni Pope Benedict XVI sa Vatican. Tapos punta kami sa platform sa harap saka sinabitan ng medal. Ay, buhay! Tapos humarap kami sa mga tao at nag-bow! Wow! Parang nag-sex ka na rin (Kahit wala pa akong alam dun dahil virgin pa ko. Haha!) sa sarap ng pakiramdam!
Kung akala naman ninyo e dun na natatapos ang kasiyahan, puwes nagkakaMALI kayo! Syempre sasabihin pa ng UP President na GRADUATE na TALAGA kami! HHHHHHHUUUUUUUUWWWWWWWWWWWWWAAAAAAAAWWWWWWWWWW!!!!!!!
Ganyan yung sigaw ko, at wala pa yan sa sigaw ng ibang graduate na parang nabunutan ng 100 bunga ng langka sa puwet! Tapos yung sablay may use din pala na parang sa toga. From the right shoulder ay nilipat namin to the left, to the left like beyonce nung sabihing officially e GRADUATES OF 2008 na kami! HHHHHHHHHHUUUUUWWWAAAAAAWWWWWWW!!!!! After nun sigawan pa ulit kasi naalala namin, CENTENNIAL GRADUATES nga pala kami! Last na 'to, pramis... HHHHHHHUUUUUUUWWWWWWWWWWAAAAAAWWWWWWWW!!!!!
Hay ngawit na ko kaka-type. Baka hindi na ito basahin ng mga FRIENDS ko. Basta kung may mas pinaka pa sa NAPAKASAYANG grad na ito e yun na yung description ko. Finally! Nakakain na ulit ako ng Chickenjoy after so many years!
Kaya kayo mga bata, huwag n'yong pababayaan ang inyong pag-aaral. Magsumikap kayo, dahil 'pag may tiyaga, may nilaga. Sikapin ninyong magtapos para sa kinabuhasan ninyo... at para may maisulat din kayo sa blog. Yehey! Sa wakas, nakapagsuot din ako ng barong kahapon.
HHHHHHHHHUUUUUUUUWWWWWWWWWAAAAAAAAAAAAAWWWWWWWW!!!!!
Ay, sorry.