Tuesday, May 08, 2007

Feeling nice about forgetfulness

Ngayon ko lang nalaman (o naalala) na may blog nga pala ako. At nadiskubre ko pa ito sa mismong oras ng trabaho ko sa Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) bilang intern ngayong 2007.

Grabe!

Ganun talaga!

Nakakatuwa na dahil sa pagkaulyanin ko ay mas nagalak ako sa pagkakitang muli sa aking blog. Ang saya ko talaga. Mas nararamdaman ko ngayon ang sarap at saya ng pagsusulat at pagiging isang mag-aaral ng peryodismo sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City.

Mabuti na lamang at napalilibutan ako ng mga taong may tunay at malalim na pagmamahal sa propesyon ng pagsusulat. Mabuti na lang.

Sandali lang. Trabaho na ulit. May mali raw sa ipinasa naming trabaho kahapon. Dagdag pahirap na naman. Pero ayos lang. Alam kong may magandang dahilan kung bakit ako pinapahirapan nang ganito.

Hay! Wala lang. Trabaho muna.

Welcome back, Isang Snap Lang!

1 comment:

Hector Bryant L. Macale said...

oo nga. ba't ka nagbblog habang intern hours? hmm?