Kaming magkapatid ay minsang nag-away;
Muntik magsuntukan dahil sa tinapay.
Ako ang naunang kumagat sa monay,
Habang tumutulo sa damit ang laway.
Agad ang pagsumbong niya sa ‘ming inay;
Mabuti na lamang at wala si itay.
“Ikaw itong kuya, maging bukas-kamay
at lalong hangaring maging mapagbigay!”
Minsan namang ako ay nagbabaraha;
Kapatid ang siyang kalaban sa t’wina.
Natalo’t binawi niya ang baraha;
Ako’y nanahimik na lang dun sa sala.
Madaling nalaman ang lahat ni ama
At minasama pa akong isang aba.
“Ika’y mas matanda di hamak sa kanya;
Ipakita mo ‘yon at patulan siya!”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
HAHAHA! nagrereklamo ka na?
Post a Comment