Ako’y nabighani sa isang bituin
Na aking natanaw sa iyong paningin.
Kagandahan lamang, aking sasambitin
Dahil pag-ibig mo’y minsan ding naangkin.
‘Di ipagpapalit itong naibigan:
Ikaw na tangi kong pinakamamahal.
Itong nadarama’y tanging iyo lamang
‘Pagkat nag-iisa ang ‘yong kagandahan.
Sa araw at gabing ika’y maalala,
Lungkot at ligaya, aking nadarama.
Sa panahong ika’y aking nakasama,
Panahon din iyon na napakasaya.
Kahit na mabigat sa aba kong dibdib
Ang napakapait na iyong pag-alis,
Pananatilihin sa loob ang tatag
At minsan na lamang ang aking pag-iyak.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment