Tuesday, January 11, 2005

Tanaga at Dalit ( Subok lang. )

Kung gusto mo ng halik,
Sa akin ay magbalik.
At ‘pag ika’y nanabik,
Sa kwarto ay pumanhik

Ang mga Pilipino,
Tunay na matalino
Dahil ‘di sinisino
Ang sariling anino.

Nagmadaling binalikan
Ang babae sa kawalan,
At nang ito’y kanyang datnan,
Lasug-lasog ang katawan!

Malagkit na mga titig,
Mahigpit na mga bisig,
Ang lahat ng ito’y hilig
Ng sino mang iniibig.


No comments: